2 nawawala sa lumubog na bangkang pangisda
Ang fishing boat na Timothy Monalinda 48 Dalton ay may sakay na 24-katao na pawang mga mangingisda.
Ayon kay Lt. Terrence Alzosa ng Philippine Coast Guard, ang mga biktimang nawawala ay nakilalang sina Robert Caparo at Reynaldo Lagrio kung saan lumubog umano ang sinasakyang fishing boat ng mga ito sa bisinidad ng Quinoloban, isla ng Agutaya.
Ang nasabing fishing boat ay pagmamay-ari naman ng RBL Fishing Corporation.
Ayon kay Alzosa, ang naturang fishing boat ay naglalayag kasama ng iba pang bangka nang aksidenteng malaglag ang isang fishing net na naging sanhi upang tumagilid at lumubog ang bangka. Grace dela Cruz
- Latest
- Trending