^

Probinsiya

Bangkay ng NPA leader nahukay

-

Isang naagnas na bang­kay ng hinihinalang lider ng New People’s Army ang nahukay ng militar habang isa pang rebelde ang na­paslang sa engkuwentro sa magka­ kahiwalay na ope­rasyon sa Aurora at Sarang­gani.

Batay sa ulat ng Philippine Army, dakong alas-5:00 ng madaling-araw kamaka­lawa nang makasagupa ng mga tauhan ng 48th Infantry Battalion ang may 15 rebelde sa Dicapinisan, San Luis, Aurora.

Nasawi sa 25 minutong bakbakan ang isang hindi pa nakilalang rebelde na sina­sabing miyembro ng RYS Platun, Regional Operations Command, Central Luzon Regional Committee (CLRC) sa ilalim ng pamu­muno ni Antonio Romero, alyas LG/Raymond.

Narekober sa lugar ng in­sidente ang isang M16, M14 rifles at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

Samantala, isang na­agnas na bangkay ng hini­hinalang lider ng NPA ang nakuha ng mga awtoridad sa Sitio Ilib-Kasila, Datal-Ang­gas, Alabel, Sarang­gani.

Ang bangkay ng rebel­de na kinilala lamang sa alyas na Ka Allan na tauhan ni Ka Warren ay hinihinalang pinatay ng mga kasamahan nito  sa mga rebeldeng ko­mu­­nista sa hinalang informer ng militar.  Joy Cantos

ANTONIO ROMERO

CENTRAL LUZON REGIONAL COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA ALLAN

KA WARREN

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with