^

Probinsiya

Birthday party pinasabog, 12 sugatan

-

NUEVA ECIJA – Aabot sa labindalawa-katao ang nasu­gatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na ka­lagayan ma­karaang suma­bog ang gra­nadang inihagis sa masayang birthday party sa Sitio Pe­macco sa Baran­gay TL Pa­dilla, Carranglan, Nueva Ecija noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga bikti­mang sugatan ay sina Fer­dinand Su­caban, 38; Mercy Sucaban, 40; Franklin Suca­ban, 4; Oscar Zamora, chairman ng Ba­rangay TL Padilla; Cpl. James Patauig, miyem­bro ng 48th Infantry Batta­lion ng Phil. Army; Milagros Su­caban, 53; Celso Aquino, 29; Jaypee del Ro­sario, 18; Erlinda del Rosario, 22; at si Ronnel del Rosario, 24.

Samantala, sina Rogelio del Rosario, 29; at Marcillano Baltazar, 46 ay nasa kritikal na kalagayan na ngayon ay nasa  Paulino Garcia Memorial Hospital at Premiere General Hospital sa Caba­natuan City.

Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Agripino Javier, Nueva Ecija police director, tinukoy naman  ang suspek na naghagis ng Gra­nada na si Pablito Domingo Sr., 42, deputy chief ng Bantay-Bayan.

Sa imbestigasyon, kasa­lu­­kuyang nagkakasiyahan ang mga bisita sa kaarawan ng batang si Franklin Suca­ban nang magpalitan ng ma­aang­hang na salita sina Do­mingo at Reynoso Lo­renzo sa hindi pa mala­mang da­hilan.

Agad namang napayapa ni Kapitan Zamora, ang iringan ng dalawa at kaagad naman umuwi si Domingo at nang bu­malik ay inihagis ang dala nitong granada sa bahay ng may kaarawan at agad na tumakas. Christian Ryan Sta. Ana

vuukle comment

AGRIPINO JAVIER

CELSO AQUINO

FRANKLIN SUCA

NUEVA ECIJA

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with