5 nalibing sa landslide

CAMP CRAME — Lima-katao kabilang ang isang misis na bun­tis ang kumpirmadong namatay makaraang ma­tabunan ng gumu­hong lupa ang mga ka­ba­hayan ng mga bik­tima sa mining community ng Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo, Campostela Valley ka­makalawa ng gabi.

Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Ralph Suldia, 19; Rose Mamaril, 16, bun­tis na misis; Roderick Cabalunan, Marlito Bordios at si Tata Ro­sales, na pawang mga residente ng Purok 2 sa Mt. Diwata district, Di­walwal Village ng na­sabing bayan.

Sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi kung saan gumuho ang lupa dahil sa kakatapos na ulan na tumagal ng may kala­hating oras.

Hindi nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil sa bilis ng pang­yayari, sinuwerte na­mang nailigtas ang mag-utol na Jimmy at Gilbert Barera at si Ro­nald Balsabar na nga­yon ay nasa paga­mutan.

Ang bahay na tini­tirhan ng mga biktimang nasawi maliban kay Mamaril ay pinani­ni­walaang pag-aari ni Indanar Jimlani.

Ayon kay Linda Mo­rante, hepe ng Region 11 Office of Civil Defense, naganap ang land­slide bunga ng patuloy na ulan noong Lunes ng gabi sanhi ng kasalukuyang inter-tropical convergence zone (ITCZ) kaya po­sibleng lumambot ang lupa sa kabundukang walang anumang pu­nong­kahoy.

Dahil dito, pinayuhan ng kinauukulan ang iba pang residente na mala­pit sa tabing bundok na pansamantala munang lumikas upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Show comments