^

Probinsiya

Man slain for singing off-key in videoke bar

- Non Alquitran -

P.250M matrikula hinoldap

CAMP OLIVAS, Pampanga  — Tinatayang aabot sa P.250 milyon pang matrikula ang tinangay ng mga ’di-kilalang kalalakihan mula sa mag-asawang negosyante sa naganap na pani­bagong holdapan sa Barangay Dau, Maba­lacat, Pampanga kama­kalawa. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang bik­tima na sina Raymond at  Sharon Mandap na kapwa naninirahan sa #96 Melanio Street, Samson Ville Subdivision. Ayon sa pulisya, sakay ng Honda Accord (ETT-955) ang mag-asawa na nag-withdraw ng pera sa banko para sa matrikula ng kani­lang mga anak nang holdapin ng dalawang ’di-kila­lang lalaki na sakay ng motorsiklo. (Resty Salvador)

Paslit dedo sa air gun

CAMP CRAME —  Bala ng air gun ang tumapos sa buhay ng isang  10-anyos na lalaki makaraang barilin ito ng isang senglot na kapitbahay ng biktima sa Barangay Piit, Majayjay, Laguna kamakalawa. Nasapol sa kaliwang bahagi ng ulo si Renz Rubian, grade 5 pupil, samantala, naaresto at kinasuhan naman ang suspek na si Ronelio Rubian. Base sa ulat ng pulisya, nagalit ang suspek dahil sa ingay ng biktimang naglalaro kaya naman tinakot nito ng hawak na baril at dahil sa kalasingan ay nakalabit nito ang gatilyo na nagresulta sa pagkamatay ng biktima. (Edwin Balasa)

Bata ng vice mayor dinedo

CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang supporter ni San Manuel, Vice Mayor Bonie Apilado, ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa panibagong karahasan sa Barangay Guiset Sur, San Manuel, Pangasinan, kamakalawa. Ang biktimang sakay ng traysikel nang ratratin ay nakilalang si Mario Aban Sr., 43, ng Barangay Nagsaag base sa talaan ng pulisya. Malaki ang paniniwala ng pulisya na may kaugnayan sa pulitika ang krimen. (Edwin Balasa)

BARANGAY DAU

BARANGAY GUISET SUR

BARANGAY NAGSAAG

BARANGAY PIIT

EDWIN BALASA

SAN MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with