Dahil sa patuloy na pagtaas ng krudo sa pandaigdig na merkado ay ikinasa ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na itaas ang pasahe sa probinsya. Sa panayam ng PSN sa pangulo ng PBOAP na si Homer Mercado, 20 porsiyento anya ang igigiit na dagdag-pasahe sa mga provincial buses sakaling umabot sa P35 ang halaga ng krudo kada litro.
Sa ngayon, umaabot sa P135 ang pasahe kada kilometro sa provincial aircon buses at P110 kada kilometro naman ang pasahe sa mga provincial ordinary buses nationwide.
Binanggit ni Mercado na babagsak ang bus industry sa bansa kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng petroleum products at ang tanging paraan para makabangon mula sa epekto ng oil price hike ay taasan ang pasahe. (Angie dela Cruz)