^

Probinsiya

Police chief itinumba

- Edwin Balasa, -

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Apat na arma­dong kalalakihan ang tu­mapos sa buhay ng isang hepe ng pulisya makara­ang pagbabarilin ito sa harap ng kanyang bahay sa bahagi ng Barangay Dita, Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Ins­pec­tor Jesus Kabigting, exe­cutive officer ng Re­gional Special Operations Group (RSOG) sa Region 4-A, ang biktimang si P/Supt. Bernie Banalo, hepe ng Cabuyao police station.

Si Banalo ay naging secu­rity aide ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ikalawang hepe ng pulis sa Cabuyao ang pinaslang.

Ayon sa imbestigasyon, papalabas na ng gate ng kanyang bahay si Supt. Banalo sa Block 6, Lot 3 Aris Street sa Panorama Subdivision sa Mariquita Pueblo nang lapitan at rat­ratin ng mga ’di-kilalang  kalalakihan bandang alas-8:30 ng umaga.

Naisugod pa  sa St. James Hospital ang bik­tima, pero namatay din ito matapos ang isang oras dahil sa tinamong pitong tama ng bala sa kanyang mukha at katawan.

Nabatid na palakad na lumayo ang mga armadong kalalakihan  na animo’y walang naganap na krimen patungo sa direksyon ng Barangay Bigaa kung saan matatagpuan ang fish port papuntang Talim Island na napaulat na pinagkukutaan ng mga rebeldeng New People’s Army.

Nakarekober ang mga imbestigador ng pulisya ng 11-basyo ng .45 caliber mula sa crime scene.

Nag-utos naman si Chief Supt. Nicasio Rado­van Jr., regional police director ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa naganap na pamamaslang. (Dagdag ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

ARIS STREET

BARANGAY BIGAA

BARANGAY DITA

BERNIE BANALO

CABUYAO

CHIEF INS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with