EDITORYAL — Hustisya sa nasunog na guro at poll watchers

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigations (NBI) ang isang Nigerian na umano’y sangkot sa isang sindikato na guma­gamit ng mga nakaw na credit cards upang magpa-book ng mga on-line airline tickets.

Kinilala  ang suspect na si Shadrack Onyisis Ekwe­mura, residente ng  43 B Sta. Cruz, Maynila, kung saan ngayon ay naka-detine sa NBI-National Capital Region.

Naaresto si Ekwemura  sa isang entrapment operation no­ ong Mayo 25 sa isang internet cafe sa Mabini St., Ermita.

Sinabi ng  NBI na may­roon umano itong natanggap na intelligence report na si Ek­­wemura ay miyembro ng naturang sindikato kaya’t nagplano sila ng isang entrapment operation laban dito.

Nagpa-book ang isang poseur buyer sa suspek ng tatlong round trip ticket patu­ngong Hong Kong sa hala­gang P10,000 lamang.

At nang makipagkita sa mga awtoridad ang suspek, kaagad itong inaresto ha­bang tinatanggap ang marked money.

Nakuha mula sa suspek  ang isang credit card na nang beri­pikahin ay naw­awala pala ito mula sa isang may-ari dala­wang linggo na ang nakakaraan.

Ipinaliwanag ni NBI Exe­cutive Office Rommel Vallejo, kumikita umano ang mga sindikatong tulad ng kinabi­bilangan ng suspect  sa pa­mamagitan ng pagbili ng mga on-line airline tickets para sa mga tao na nais mag-abroad.

Pinapang-akit umano ng mga sindikato sa mga Pinoy na nais mag-abroad na ito ang mag-aayos ng mga tra­vel documents sa mas murang halaga.

Matapos na matanggap ang pera sa mga kostumer, ipa­bu-book nila ang tiket ng mga ito on-line at babayaran ito gamit ang mga ninakaw o ’di kaya ay pekeng credit card.

Nahaharap naman sa ka­song paglabag sa Access Devices Act ang suspek at  naka­takdang i-turn-over ng NBI sa kostudiya ng Bureau of Immigration (BI). (Grace dela Cruz)

Show comments