^

Probinsiya

Daghang naigo

BANAT INBOX - Rosalie B. -

Hindi na natapos ng isang sabungero ang pagpapatuka sa kanyang mga alagang sasabunging manok ma­karaang taniman ng bala sa dibdib ng tatlo niyang ka­away, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino Hospital ang biktimang si Ricardo Adamero, 45, ng Miramonte Heights, Barangay 180, ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang mga tumakas na suspek na sina Eddie Espinon, 45, security guard, residente rin ng natu­rang lugar at dalawang hindi pa nakikilalang kasamahan nito.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente bandang alas-7 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima.  Nabatid na nagpapatuka ng kanyang sasabunging manok ang biktima nang dumating ang tatlong suspek na pa­wang mga lasing sa alak at ki­nompronta si Adamero na hu­mantong sa mainitang pag­tatalo.

Bumunot naman ng baril ang suspek na si Espinon at pinaputukan ang biktima sa kanyang dibdib. Mabilis na nagsitakas ang mga ito ma­tapos ang pamamaril.

Isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa pa­ga­mutan ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga dahil sa tindi ng tama ng bala na tinamo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ADAMERO

BERNARDINO HOSPITAL

BUMUNOT

DANILO GARCIA

EDDIE ESPINON

MIRAMONTE HEIGHTS

RICARDO ADAMERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with