Siso’s complete grand slam; Satera claims 12-under title

BALANGA CITY, Bataan —  Pinagtulungan tagain hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na political leader ng nanalong alkalde ng kanyang dalawang kainu­man ng alak sa bahagi ng Barangay Binaungan, Ba­gac, Bataan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Odelon Ramoneda, police provincial director, ang bik­tima na si Casimiro Benosa, magsasaka, at asawa ng ba­rangay coordinator ng Kaba­likat na si Remedios Benosa.

Isa sa dalawang suspek na si Dante Alvarez ay na­sakote ng pulisya sa maka­hoy na bahagi ng  nasabing coastal village, apat  na oras matapos ang pamamaslang, samantalang tugis naman ang kasamahan ni Alvarez na si Numeriano Camilag.

Napag-alamang sina Camilag at Alvarez ay kapwa campaign leader ng natalong re-electionist Mayor Ar­mando “Wawaw” Ramos.

Base sa imbestigasyon, magkakasamang nag-iinu­man ng alak ang tatlo nang komprontahin ng dalawa si Benosa tungkol sa ’di pag­suporta nito sa natalong alkalde.

Napangiti lamang ang biktima sa dalawa at habang nagpapaliwanag ay agad na isinagawa ng mga suspek ang krimen.

Nagkagulo naman ang ilang residente na nakasaksi sa insidente at agad isinugod sa Bagac Community Hospital ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay

Ang coastal village ng nabanggit na barangay ay may isang oras na trip ng  motorized banca patungong bayan ng Bagac. (Jonie Capalaran at Raffy Viray)

Show comments