^

Probinsiya

The clueless in me

SIZZLING HOT - Juliana Palermo -

CAVITE  — Tinatayang aabot sa 30-motorsiklo/scooter na pinaniniwalaang karnap at walang kauku­lang papeles ang naibenta na ng mga tauhan ng Cavite Motorcycle Unit at hindi na na-impound sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, Cavite.

Sa impormasyong naka­lap ng PSN sa dalawang dating strikers ng Cavite Motorcycle Unit (CMU) na tumangging ihayag ang kanilang pangalan, nilisan nila ang nasabing kampo dahil hindi nila masikmura ang pinagagawa sa kanila ng mga tauhan ng Cavite Motorcycle Unit.

Kabilang anya sa mga tiwaling gawain ng CMU sa mga karnap na scooter at motorsiklo na kanilang nakumpiska sa iba’t ibang barangay sa Cavite ay pina­dadala at ipinabebenta sa kanila sa Quezon at Batangas imbes na dalhin sa nasabing kampo at itala sa log book bilang karnap at walang kaukulang pa­peles.

Ayon pa sa source, ilan sa mga motorsiklo at scooter na kargado ay personal na ginagamit ng mga tauhan ng CMU at ang ilan naman ay ibinenta sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

“Magpunta kayo sa loob ng kampo, wala kayong makikitang naka-impound na motorsiklo at scooter sa bahagi ng CMU maging ang mga sasakyan ay kina­tay na at hindi na mapa­pakinabangan pa,” paha­yag ng source.

Napag-alamang kali­mitan ay pinaiiwan ang susi at motorsiklo sa may-ari kapag walang kaukulang papeles at hinihinalang karnap at kapag hindi na binalikan ay pansaman­talang dadalhin sa safe­house ng CMU bago dalhin sa Batangas at Quezon.

“Matagal nang gawain ng CMU ang magbenta ng karnap na motorsiklo at scooter kaya kami umalis dahil kinukutuban na kami na baka dumating ang pa­nahon ay bigla na lamang kaming mawala,” dagdag pa ng source.

 “Kahit pitpitin mo ang mga bayag ng mga pulis-CMU, hindi aamin ‘yan, yung ngang isyu ng kotong na luma­bas sa PSN eh, pina­ga­gawa pa ng state­ment ang mga motoristang kino­tongan na walang na­ganap na pangingikil para kung rumesbak  meron silang ma­ipakitang ebiden­sya,” dagdag pa ng source.

Pinabulaanan naman ni Cavite Gov. Ayong Maliksi, na siya ang bumuo ng Cavite Motorcycle Unit sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, base sa sinabi  ng dalawang pulis-CMU na inakusahan ng pangongo­tong ng mga motorista. Mhar Basco

vuukle comment

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CAVITE MOTORCYCLE UNIT

CMU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with