^

Probinsiya

BF Homes residents seek pipeline repair

-

Isang Malaysian na­tional  na nagpapanggap na isang doctor ng United States at nambibiktima ng mga Pilipina ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Inves­tigation  sa isang entrapment operation  sa isang   beach re­sort sa Davao City.

Iniharap ni NBI Director Nestor Mantaring sa mga mamamahayag ang sus­pek na si Thavarajah San­drase­garam, alyas Shan at Doc, 55 at residente ng no. 13 Jin Ke­muja, Kuala Lum­pur, Malaysia na nagpapa­kilalang isang US doctor at investor  sa medical re­search business.

Ipinaliwanag ni NBI-NCR Regional Director Ruel Lasala na modus ope­randi ng sus­pect na maki­pag-“chat”  sa mga bibikti­mahin nitong Pili­pina na nagnanais na mamu­hunan  sa medical research sa pa­mamagitan ng pag-“chat” sa internet.

Ipinapakilala ng suspek ang kanyang sarili na may Master’s Degree mula sa  Royal Col­leges of Sur­geons sa Ireland at Univ­ersiti Malay­sia kung saan nagsa­ sagawa siya ng re­search para sa mga gamot sa sakit sa kidney at  sikmura.

Ayon kay Lasala, ang pag­ka­kadakip  sa suspect ay bun­sod ng reklamo ng isang  nag­ngangalang Su­san matapos siyang ma­kuhanan ng  P1.6 milyon. Na­kilala niya si Sandra­se­garam noong Peb­rero 2007 kung saan nagka­sundo sila na mag-invest ng P2 milyon sa medical re­search. Sinabi ni Sandrase­garam  na konektado siya sa Seatlle Baptist  Medical Center sa Washington.

Sa pag-aakalang ma­gan­­dang investment, nag­bigay ang biktima ng P1 milyon noong Marso 11, 2007. Su­balit matapos ang dalawang linggo ay muling humingi ng P600,000 ang suspek kung saan ibinigay naman  ni Susan. Subalit  nan­lumo si Susan nang makumpirma niya na  hindi konektado si Sandrase­garam sa naturang ospital. (Doris Franche)

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DORIS FRANCHE

ISANG MALAYSIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with