Suspect in Bocalbos slay identified
CAMARINES NORTE – Isang detachment ng 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Tuaca, Basud ng lalawigang ito ang sinalakay at pinaulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army na ikinamatay ng sundalong si Pfc. Albert Palean kahapong alas-8 ng umaga.
Hinihinalang isinagawa ng NPA ang pananalakay bilang ganti sa pagkubkob ng tropa ng 31st Alpha Company ng militar sa isang safehouse ng mga rebelde sa Singi, Vinzons ng lalawigan ring ito bandang alas-5:30 ng madaling-araw kahapon din.
Limang NPA ang nahuli ng mga militar at nakumpiska rin ang isang baby armalite, subersibong dokumento at personal belongings. (Francis Elevado)
- Latest
- Trending