^

Probinsiya

Local execs push for Erap’s release

-

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng magkaibigang negosyante makaraang pagtulungang barilin at tagain ng mga kalaban sa negosyo sa Purok Tumpok, Barangay Canlandog sa bayan ng Murcia,  Bacolod kamakalawa ng umaga. Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng mga biktimang sina Alex Torres at Romulo Garcia na kapwa mamimili ng metal scrap at mga residente ng Hacienda Jovillanos sa Barangay Cansilayan ng nabanggit na bayan.  Sa ulat ng local police na isinumite sa Camp Crame, napag-alamang pa­pauwi na ang magkaibigan sakay ng traysikel na kargado ng metal scrap nang harangin at paslangin ng mga di-kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kalaban sa negosyo. Hindi naman sinaktan ng mga killer ang dalawang kasama ng magkaibigan kaya agad naman naipagbigay-alam sa pulisya ang naganap na krimen. Edwin Balasa

Mag-utol nagpatayan

CAVITE – Dahil sa matinding alitan sa titulo ng lupa na minana ng mag-utol ay napatay sa gulpi ang isang 47-anyos na lalaki ng sariling kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 44, Das­mariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Elmer Dela Cruz, habang arestado naman ang suspek na si Juanito dela Cruz, 49, nakatatandang kapatid ng biktima. Ayon kay PO1 Ronaldo Nabos, na pinagpi­pilitang kunin ng suspek ang titulo ng kanilang lupa mula sa biktima, subalit tumanggi ito kaya nauwi sa matinding komprontasyon hanggang sa ma­ganap ang pamamaslang. Cristina Timbang

Pulis dinedo sa karinderya

CAMP CRAME  — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na pulis ng di-kilalang lalaki habang ang biktima ay kumakain sa isang karinderya sa Barangay Extension sa bayan ng Wao, Lanao del Sur kamakalawa. Napuruhan sa  ulo ang biktimang si SPO4 Manuel Marinello Febro ng 1502nd Provincial Mobile Group. Napag-ala­mang naganap ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi kung saan naghahapunan ang biktima sa karin­deria na pag-aari ni Imee Fernandez. Edwin Balasa

Kandidato itinumba

CAMP CRAME – Kahit tapos na ang eleksyon ay patuloy pa rin ang karahasan sa Lanao del Sur kung saan isa na naman kandidatao sa pagka-konsehal ang pinaslang makaraang tambangan ito ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Bacong kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mohammadali Hadji Nur Rascal, alyas Pamilan, 45, kandidato sa ilalim ng Kampi at residente ng Barangay Bacong sa bayan ng Marantao. Nabaitd na papauwi na ang biktima lulan ng kanyang light blue Nissan Sentra na may plakang KBV 798 mula sa bayan ng Malabang nang harangin at ratratin dakong alauna ng hapon. Edwin Balasa

ALEX TORRES

BARANGAY BACONG

BARANGAY CANLANDOG

BARANGAY CANSILAYAN

BARANGAY EXTENSION

CAMP CRAME

EDWIN BALASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with