^

Probinsiya

New Muntinlupa mayor proclaimed

- Rhodina Villanueva -

MALVAR, Batangas — Isang truck driver at pe­des­trian ang iniulat na namatay, samantalang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na sakuna sa bayan ng Malvar, Batangas noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Antonio Malabanan, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, ang mga namatay na sina Reynaldo De los Reyes, truck driver, ng Barangay Alangilan, Batangas City at isang pedestrian na si Manuel Aviado ng bayang nabanggit. Sugatan naman ang motorcycle raider na si Daniel Dimaunahan at ang truck driver na si Melchor Andam na kapwa ginagamot sa St. Nazarius Hospital.

Ayon sa report, binabagtas ni De Los Reyes ang ka­habaan ng Pres. Jose P Laurel Highway na sakop ng Brgy. Luta Sur sakay ng Elf truck (NJP-412) nang mawalan ito ng preno bandang alas-9:30 ng gabi. Sa salaysay ng mga saksi, inararo ng truck na kargado ng mangga para ideliver sa Manila, ang sidewalk kung saan naglalakad si Aviado bago sumalpok sa isang tindahan. Bago pa sumalpok ang truck sa sidewalk, nasagi pa nito si Dimaunahan na sakay ng motorsiklo na tumilapon may ilang metro at masugatan din ang truck helper na si Andam. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ANTONIO MALABANAN

ARNELL OZAETA

BARANGAY ALANGILAN

BATANGAS

BATANGAS CITY

DANIEL DIMAUNAHAN

DE LOS REYES

JOSE P LAUREL HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with