PICC lulusubin ng raliyista
SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Anumang oras ay nakaumang ang karit ni kamatayan laban sa bagong halal na gobernador ng Pampanga na si Fr. Eddie “Among Ed” Panlilio makaraang itatag ng mga desperadong supporter ng mga talunang kandidato ang assassination plot para likidahin ang nasabing opisyal.
Ito ang kinumpirma ng mga supporter ni Among Ed sa kumalat na text messages tungkol sa ikinasang assassination plot codenamed Oplan Gomburza, kaya pinayuhan ang governor-elect na magsuot ng bullet-proof vest.
Pinayuhan din ni P/Senior Supt. Keith Singian, provincial police director, si Panlilio na magsuot din ng bullet-proof vest, habang bineberipika ang napaulat na tangkang asasinasyon mula sa mga desperadong supporter ng mga talunang kandidato.
“If anything happens to him (Panlilio), the suspect will be obvious,” pahayag pa ni Singian na hindi naman dinetalye ang impormasyon.
Sa kasalukuyan ay binigyan ng limang pulis bilang karagdagang seguridad sa buhay ni Among Ed, bukod pa sa ilang pinagkakatiwalaang supporter.
Napag-alaman din na nagpapalipat-lipat ng lugar si Among Ed dahil na rin sa payo ng kanyang mga supporter bago pa manungkulan sa unang araw ng Hulyo.
Kasunod nito, handa naman makipagtulungan kay Among Ed, si reelected Vice Gov. Joseller “Yeng” Guiao, running mate ng natalong Kampi gubernatorial bet Lilia Pineda.
Pinayuhan din ni Guiao, ang bagong gobernador na makipagpulong sa mga lider-politika ng iba’t ibang bayan ng Pampanga at bumuo ng transition team, partikular na ang pagtatatag ng provincial development council para sa mga programa at proyekto.
- Latest
- Trending