^

Probinsiya

Nanaksak, sinaksak, todas

-

MALOLOS CITY,  Bula­can — Tanging ang San Jose del Monte City, ang hindi pa nagkakapagproklama ng alkalde dahil hindi pa nata­tapos ang bilangan ng boto kaya’t hindi pa malaman kung sino ang nanalo kina incum­bent Mayor Lito Sarmiento at Rep. Eduardo Roquero.

Batay naman sa talaang naipon ng PSN, hindi bababa sa 11 sa 23 naiproklamang alkalde ay re-electionist, walo ang bagong mukha at tatlo naman ang minsa’y nagling­kod na ang nakabalik sa puwesto.

Kabilang sa mga re-elec­tionist na alkaldeng nagwagi ay sina Danilo Domingo (Ma­lolos City); Evelyn Paulino (Doña Remedios Trinidad); Romy Estrella (Baliuag); James de Jesus (Calumpit); Epifanio Guillermo (Marilao); Tessie Vistan (Plaridel); Donato Marcos (Paombong); at si Leonardo De Leon (Angat).

Kabilang naman sa mga baguhang alkaldeng nanalo ay sina Romeo Castro (Ba­lagtas); Gani Pascual (Gui­guinto); Vicente Esguerra (Pulilan);  Angel “Boy” Cruz (Ha­gonoy); Roberto Oca (Pandi); Roderick Tiongson (San Miguel); Joan Alarilla (Meycauayan,); at si Orencio Gabriel (Obando).

Maging ang mga dating alkalde na may ilang taong namahinga at muling nanalo ay sina Anacleto Meneses (Bulakan); Jonjon Villanueva (Bocaue) at si Feliciano Le­gazpi (Norzagaray). (Dino Balabo at Boy Cruz)

ANACLETO MENESES

BOY CRUZ

DANILO DOMINGO

DINO BALABO

DONATO MARCOS

EDUARDO ROQUERO

EPIFANIO GUILLERMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with