Umapela kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ang mga residente na imbestigahan ang iba’t ibang uri ng pandaraya sa ginanap na eleksyon sa buong lalawigan ng Ifugao.
Sa pangunguna ni Jumbo Wachayna, inakusahan nila si incumbent Rep. Solomon Chungalao at ilang opisyal ng barangay ng pandaraya partikular na ang pamamahagi ng P500 hanggang P1000 na nasa sample ballots sa labas at loob ng polling precincts. Inakusahan din ng mga residente ang ilang kandidato na nagbigay ng malaking halaga sa ilang opisyal ng barangay para hindi iboto si Wachayna.
“Watchers are being paid P500 each and even guides are being paid from P200-P500 for every person which he could bring to commit cheating.
“How can a congressman afford the millions of pesos he spent in the elections? How come most of our legislators got so rich when in fact the salary of a congressman is only P1.5 milion in three years,” pahayag pa ng grupo ng mg Ifugao. Kaya nagbanta ang mga taga-Ifugao na kanilang kakalampagin ang Comelec upang mapatunayan kung talagang may anomalyang ginawa si Chungalao.