Canvassing of votes stopped in Bangued
BANGUED, Abra – Niratrat hanggang sa mapatay ang isang tagapamahala sa bayan ng Bangued, Abra ng ’di-kilalang lalaki sa isa na naman poll-related violence incidents kahapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Alex Pumecha, provincial police director, ang biktima na si Francis Acena na inupakan sa panulukan ng Washington at MH del Pilar Streets, habang papauwi.
Napag-alamang naglalakad ang biktima patungo sa kanyang opisina nang salubungin ng isang ’di-kilalang lalaki bago isinagawa ang pamamaslang.
Palakad lamang na lumayo ang killer matapos na bumulagta ang biktima sa mataong lugar na pinaniniwalaang may mga testigong namukhaan ang suspek.
Samantala, sa hindi nabatid na dahilan ay biglang pinatigil ng lokal na Comelec ang canvassing sa bayan ng Tineg, Abra simula pa noong Biyer nes. Inilipat sa bayan ng Bangued, ang bilangan sa nasabing bayan dahil na rin sa tumitinding tensyon ng magkalabang kandidato. (Myds Supnad)
- Latest
- Trending