^

Probinsiya

Kulang pa ba?

-

CAVITE — Bumagsak sa isinagawang “entrapment operation” ng  mga tauhan ni Sr. Supt. James Brillantes ng Regional Special Operations Group ang dalawang lady guard ng Overseas Workers Welfare Administration kaugnay ng pagdukot sa isang 10-buwang sanggol kahapon.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jervelyn Marie Clapino  at Julie Tomasin, kapwa residente ng Barangay Talaba 4, Bacoor, Cavite.

Nabatid na, nang magtungo kamakailan sa tanggapan ng OWWA ang ina ng bik­tima na isang overseas Filipino worker,  nag­prisinta ang mga suspek na tingnan at kargahin ang kanyang anak habang may inaasikaso siyang mga papeles sa naturang ahensya.      

Nagtiwala ang ina dahil mga guwardiya ang mga suspek.

Pero nang balikan ng ina ang kanyang anak at ang dalawang guwardiya ay wala na ang mga ito sa naturang lugar. Pag­ka­raan ng ilang minuto ay nakatanggap siya ng text message sa cellphone na nagsa­sabing kailangang tubusin niya ang kan­yang anak sa halagang P150,000.

Nagpatulong ang ina sa pulisya na nagsagawa ng entrapment operation laban sa mga suspek.  Cristina Timbang

BARANGAY TALABA

CRISTINA TIMBANG

JAMES BRILLANTES

JERVELYN MARIE CLAPINO

JULIE TOMASIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with