Smart brings Palawan schools to ICT Age

Kumbinsido ang pamu­nuan ng Philippine Coast Guard na malaki ang posi­bilidad na walang kinala­man ang  terorismo sa naganap na pagsabog ng MV Butuan Bay 1 sa pier ng Mandaue, Cebu kung saan tatlo ang nasawi at 12 ang nasugatan.

Gayunpaman, nilinaw ni PCG commandant admiral Damian Carlos, na hindi pa rin nila tuluyang inaalis ang anggulong terorismo sa isi­na­sagawang imbestigas­yon.

Ipinaliwanag ni Carlos na mga awtorisadong tao lamang ang nakakapasok sa engine room ng barko kaya mahihirapan ang sinu­mang nais magtanim dito ng pampasabog. Doris Franche

Show comments