Landslide victory kay Recom

Tatlo kataong kinabibila­­ngan ng isang bata ang iniulat na nasawi habang tinatayang 34 pa ang ma­lubhang nasugatan maka­ra­ang pasabugin ang isang bus terminal kahapon bago magtanghali sa Cotabato City.

Hindi pa makilala hang­gang sa isinusulat ang mga biktima ng pagsabog na naganap bandang alas-11:05 ng umaga sa terminal ng Weena Bus sa Rufino St. sa naturang lunsod.

Ayon kay Supt. Jomar Yap, spokesperson ng Central Mindanao police, isang hindi pa nakikilalang babae ang nag-iwan ng isang bag sa nasabing terminal at ilang minuto ang nakalipas ay sumambulat na ang bomba na ayon sa pulisya ay gawa mula sa isang improvised explosive device.

Kinumpirma rin ng pu­lisya na isang tawag sa telepono ang kanilang na­tanggap na nagsasabing mayroong pagsabog na magaganap sa nasabing lugar kaya agad namang nagpakalat ang bomb dis­posal unit ang local na ka­pulisan subalit wala umano silang nakitang bomba.

Ilang minuto ang naka­lipas bago umalis ang mga  kagawad ng pulisya ay su­mabog na nga ang bomba.

Sinabi ni Yap na maa­aring inilagay ang bomba pagkaalis ng mga pulis na nag-inspeksyon sa ter­minal. Posible rin anyang nangingikil sa kumpanya ng Weena Bus ang may kagagawan ng pambo­bomba.

Mariing kinondena ang pambobomba sa terminal.

Inutos ni Pangulong Gloria Arroyo ang ganap na imbestigasyon para maparusahan ang may kagagawan ng pagpa­pa­sabog.

Sinabihan din ng Mala­kanyang ang Department of Social Welfare and De­velopment na makipagtu­ lu­­­ngan sa mga lokal na awto­ridad para sa pagbi­bigay ng tulong sa mga biktima. May ulat ni Malou Escudero

Show comments