Landslide victory kay Recom
Tatlo kataong kinabibilangan ng isang bata ang iniulat na nasawi habang tinatayang 34 pa ang malubhang nasugatan makaraang pasabugin ang isang bus terminal kahapon bago magtanghali sa Cotabato City.
Hindi pa makilala hanggang sa isinusulat ang mga biktima ng pagsabog na naganap bandang alas-11:05 ng umaga sa terminal ng Weena Bus sa Rufino St. sa naturang lunsod.
Ayon kay Supt. Jomar Yap, spokesperson ng Central Mindanao police, isang hindi pa nakikilalang babae ang nag-iwan ng isang bag sa nasabing terminal at ilang minuto ang nakalipas ay sumambulat na ang bomba na ayon sa pulisya ay gawa mula sa isang improvised explosive device.
Kinumpirma rin ng pulisya na isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap na nagsasabing mayroong pagsabog na magaganap sa nasabing lugar kaya agad namang nagpakalat ang bomb disposal unit ang local na kapulisan subalit wala umano silang nakitang bomba.
Ilang minuto ang nakalipas bago umalis ang mga kagawad ng pulisya ay sumabog na nga ang bomba.
Sinabi ni Yap na maaaring inilagay ang bomba pagkaalis ng mga pulis na nag-inspeksyon sa terminal. Posible rin anyang nangingikil sa kumpanya ng Weena Bus ang may kagagawan ng pambobomba.
Mariing kinondena ang pambobomba sa terminal.
Inutos ni Pangulong Gloria Arroyo ang ganap na imbestigasyon para maparusahan ang may kagagawan ng pagpapasabog.
Sinabihan din ng Malakanyang ang Department of Social Welfare and Development na makipagtu lungan sa mga lokal na awtoridad para sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima. May ulat ni Malou Escudero
- Latest
- Trending