Ayon kay P/Supt. Rodel Sermonia, hepe ng intelligence section, namataan ng kanyang mga tauhan ang dalawang trak na walang plaka na may lulang saku-sakong bigas na nakaparada sa harapan ng Lizzy Castillo Learning Center sa Meadowoods sa nabanggit na barangay.
Dahil sa walang plaka ang dalawang trak ay inusisa ng mga tauhan ni Sermonia ang mga dokumento ng kargamento at maging ang operasyon sa loob ng nasabing school na ginawang campaign center ni Castillo.
Habang nagbeberipika ang mga awtoridad, ay namataan nila ang ilang supporter ni Castillo na naglalagay ng sample ballots sa nirepak na bigas at sa labas ng plastic bag ay may inisyal "JBC", ayon pa kay Sermonia.
Sa bisa ng search warrant mula kay Judge Fernando Felicen ng municipal trial court, bandang alas-3:45 ng hapon, sinalakay ng pulisya kasama ang Comelec representative na si Joan Abellar, ang nasabing lugar at nasamsam ang mga nirepak na bigas.
Itinanggi naman ni Mayor Castillo ang akusasyon na ang bigas ay gagamiting suhol sa mga botante at inakusahan ang mga pulis na nagtanggal ng plaka ng trak. (Arnell Ozaeta)