^

Probinsiya

Campaign center ng House bet sa Cavite, ni-raid

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nalalagay sa balag ng alanganing ma-disqualify bilang congressional bet si Bacoor Mayor Jessie B. Castillo makaraang salakayin kahapon ng Cavite provincial police ang kanyang campaign center na pinag-iimbakan ng mga saku-sakong bigas na pinaniniwalaang ipamamahagi bilang suhol sa mga botante sa nalalapit na May 14 elections.

Ayon kay P/Supt. Rodel Sermonia, hepe ng intelligence section, namataan ng kanyang mga tauhan ang dalawang trak na walang plaka na may lulang saku-sakong bigas na nakaparada sa harapan ng Lizzy Castillo Learning Center sa Meadowoods sa nabanggit na barangay.

Dahil sa walang plaka ang dalawang trak ay inusisa ng mga tauhan ni Sermonia ang mga dokumento ng kargamento at maging ang operasyon sa loob ng nasabing school na ginawang campaign center ni Castillo.

Habang nagbeberipika ang mga awtoridad, ay namataan nila ang ilang supporter ni Castillo na naglalagay ng sample ballots sa nirepak na bigas at sa labas ng plastic bag ay may inisyal "JBC", ayon pa kay Sermonia.

Sa bisa ng search warrant mula kay Judge Fernando Felicen ng municipal trial court, bandang alas-3:45 ng hapon, sinalakay ng pulisya kasama ang Comelec representative na si Joan Abellar, ang nasabing lugar at nasamsam ang mga nirepak na bigas.

Itinanggi naman ni Mayor Castillo ang akusasyon na ang bigas ay gagamiting suhol sa mga botante at inakusahan ang mga pulis na nagtanggal ng plaka ng trak. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BACOOR MAYOR JESSIE B

JOAN ABELLAR

JUDGE FERNANDO FELICEN

LIZZY CASTILLO LEARNING CENTER

MAYOR CASTILLO

RODEL SERMONIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with