3 niratrat habang nangangampanya
May 10, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Sugatan ang isang konsehal at dalawa nitong supporters makaraang ratratin ang kanilang sasakyan ng mga armadong grupo sa Barangay Guiseng Norte sa La Union kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Councilor Isagani Rimando, anak ni dating Naguilan, La Union Mayor Franco Rimando, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang pige; at mga supporter nitong sina Val Garcia at Randy Dumo, na kasalukuyang ginagamot sa Lorma Hospital sa San Fernando City.
Isa sa tinuturong suspek ay ang kalabang pulitiko ng matandang Rimando na kumakandidato sa pagka-mayor.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon habang nangangampanya ang grupo ni Rimando sa bayan ng Naguilan. Nabatid na sakay ng KIA Besta van ang mga biktima nang bigla silang pagbabarilin ng isang grupo ng kalalakihan na nakasakay sa isang Mitsubishi Pajero. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended