Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambungan, Batangas City police chief, ang mga nasawing biktima na sina Jerry Matibag, 33; James Mercader; 54 at si Alfredo Marin, pawang stay-in workers ng junkshop na pag-aari ni Alvin Alvarez.
Naisugod naman sa Batangas Regional Hospital at Jesus of Nazareth Hospital, ang mga sugatang sina Enrico Villarico, Marivic Bediarico, Joey Matibag, Rodel Baldora, Raymond Andres, Rosalinda Palamio, Ricardo Aldaya, Charlton Mercader, Haidee Mercader, Claire Mercader, Christopher Mercader, James Mercader, Clarita Pacis, Jasmine Villanueva, Jason Matibag, Richard Marin, Alfonso De Leon, Rosalinda Andres, Maryjane Cornelos, Mary Grace Marin, Marilyn Marin at ang truck driver na si Peter Bediarico.
Ayon sa ulat, papauwi na ang mga trabahador sa kanilang junkshop sa De la Hoya Capitol Village sa Batangas City sakay ng Isuzu Elf dump truck (NSJ-418) na minamaneho ni Bediarico nang biglang mawalan ng preno saka sumalpok sa concrete railing sa bahagi ng nabanggit na barangay bandang alas-6:30 ng gabi.
"Hindi na daw n’ya (Bediarico) nakontrol ang manibela noong papalusong na ang trak hanggang sa araruhin ang mga railings sa gilid ng kalsada," pahayag ni Tambungan sa PSN. (Arnell Ozaeta)