^

Probinsiya

test

-

COTABATO CITY    Na­paaga ang pagsalubong ni kamatayan sa isang ba­baeng congressional bet ng ikalawang distrito sa North Cotabato makaraang ta­maan ng bala mula sa bu­mag­sak na baril ng  sariling escort habang pababa ng sasakyan ang biktima sa Kidapawan City noong Sa­bado ng gabi.

Ang biktimang si  Board Member Atty. Solema Ju­belan, 60, ng Kampi Party ay ­ namatay habang ginagamot sa Doctor Hospital sa Ki­dapawan City dahil sa tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat ni P/Inspector Benjamin Mauricio, operations and intelligence chief ng Kidapawan City PNP, lumilitaw na ang police escort na si PO1 Safiro Moreno ay nakaupo sa loob ng Isuzu Highlander kung saan pinilit nitong buksan ang pintuan ng sasakyan para bumaba ang biktima.

Napag-alamang bumag­sak ang baril ni Moreno at pumutok saka tumama ang bala sa likuran ng upuan ni Jubelan.

Ayon kay Mauricio, nag­lagos ang bala ng baril ni Moreno sa likuran ng kata­wan ng biktima hanggang sa tumama sa spinal column ng katawan.

Si Moreno na pamangkin ng biktima ay agad naman sumuko sa pulisya para sa kaukulang interrogation.

Wala namang nakikitang foul play ang mga kaanak sa naganap na insidente, ayon  pa sa ulat.

Kinumpirma naman ng pamilya Jubelan na ipapalit kay Solema bilang congressional bet ng Kampi sa ika­lawang distrito ay ang kan­yang utol na si Zaida Jube­lan-Rinsulat na isang provincial social welfare officer sa North Cotabato.

vuukle comment

BOARD MEMBER ATTY

DOCTOR HOSPITAL

INSPECTOR BENJAMIN MAURICIO

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with