House bet napatay ng escort
April 30, 2007 | 12:00am
COTABATO CITY – Napaaga ang pagsalubong ni kamatayan sa isang babaeng congressional bet ng ikalawang distrito sa North Cotabato makaraang tamaan ng bala mula sa bumagsak na baril ng sariling escort habang pababa ng sasakyan ang biktima sa Kidapawan City noong Sabado ng gabi.
Ang biktimang si Board Member Atty. Solema Jubelan, 60, ng Kampi Party ay namatay habang ginagamot sa Doctor Hospital sa Kidapawan City dahil sa tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ulat ni P/Inspector Benjamin Mauricio, operations and intelligence chief ng Kidapawan City PNP, lumilitaw na ang police escort na si PO1 Safiro Moreno ay nakaupo sa loob ng Isuzu Highlander kung saan pinilit nitong buksan ang pintuan ng sasakyan para bumaba ang biktima.
Napag-alamang bumagsak ang baril ni Moreno at pumutok saka tumama ang bala sa likuran ng upuan ni Jubelan.
Ayon kay Mauricio, naglagos ang bala ng baril ni Moreno sa likuran ng katawan ng biktima hanggang sa tumama sa spinal column ng katawan.
Si Moreno na pamangkin ng biktima ay agad naman sumuko sa pulisya para sa kaukulang interrogation.
Wala namang nakikitang foul play ang mga kaanak sa naganap na insidente, ayon pa sa ulat.
Kinumpirma naman ng pamilya Jubelan na ipapalit kay Solema bilang congressional bet ng Kampi sa ikalawang distrito ay ang kanyang utol na si Zaida Jubelan-Rinsulat na isang provincial social welfare officer sa North Cotabato. (John Unson at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest