Ito ang hinala ng isa sa malapit na kaibigan ni Campbell sa Donsol, Sorsogon na si Ma. Theresa Avisago na nagsabi pa na nagsisinungaling lang si Duntugan.
Pinapatungkulan ni Avisago ang pahayag ni Duntugan na nabigla lang siya sa galit nang mabunggo siya ni Campbell habang naglalakad siya sa Battad sa Banaue at nahulog sa putikan ang mga nakasakong damit na bitbit niya nang mga oras na iyon. Hindi umano niya kilala kung sino o ano ang bumunggo sa kanya at inakala niya na isa iyong siga sa kanilang baryo na kaaway niya. Kumuha siya ng bato at pinukpok ang ulo ni Campbell. Nang mapagtanto niya na isang turista ang napatay niya, dinala niya sa isang mababaw na hukay ang bangkay dahil sa takot.
Pero hindi kumbinsido sa pahayag ni Duntugan si Avisago na nagsabi pa na, sa pagkakakilala nito kay Campbell, tutulungan pa ng biktima ang suspek kung totoong nahulog ang bitbit nitong mga damit.
Gayunman, sinabi ni Avisago na maaaring fall guy lang si Duntugan at kasabwat lang ito ng tunay na salarin.
Sinabi naman ng pulisya na, kung totoo ang pahayag ni Duntugan na hindi nito sinasadya ang krimen, lalo itong madidiin sa kasong murder dahil ibinaon niya ang biktima sa mababaw na hukay.