Comelec control sa Nueva Ecija idineklara
April 29, 2007 | 12:00am
Ipinailalim na ng Commission on Elections sa kontrol nito ang buong lalawigan ng Nueva Ecija kasunod ng madugong barilan ng mga tauhan ng dalawang kandidato rito noong Huwebes na ikinasawi ng dalawang tao at ikinasugat ng 17 pa.
Ginawa ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ang deklarasyon nang makipagpulong siya kay Nueva Ecija Governor Tomas Joson III at mga opisyal ng pulisya at militar sa lalawigan kahapon.
Tiniyak naman ni Abalos kay Joson na hindi pinangingibabawan ng Comelec ang kapangyarihan ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.
Ipinaliwanag ni Abalos na, sa ilalim ng kontrol ng Comelec, ang pulisya at militar sa Nueva Ecija ay direktang mauutusan ng Comelec na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa panahon ng halalan. Nasa direct command ito ng provincial elections supervisor na si Emmanuel Ignacio.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Task Force Jaen ng Philippine National Police ang naganap na barilan sa pagitan ng mga tauhan ng kandidatong mayor na si Antonio Esquivel at ng 4th District Representative Rodolfo Antonino sa Jaen noong Huwebes ng gabi.
Kaugnay nito, hahawakan na rin ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa naturang barilan.
Sinabi ni NBI Deputy Director Atty. Reynaldo Esmeralda na ipinasiya nilang mag-imbestiga dahil nauna nang pumagitna sa dalawang nagbanggaang grupo ang ahensya sa insidente.
Ang naganap na insidente ay karugtong umano ng girian ng dalawang magkalabang grupo na muntik maganap sa lamay ng tatay ni Deputy Director Edward Villarta, Deputy Director for Intelligence Service ng NBI.
Sa naturang lamay ay nagpalitan na ng maanghang na salita sina Esquivel at Antonino hanggang sa magkatutukan ng baril ang kani-kanilang mga bodyguard at ang mga pulis kung kaya nagpasya nang pumagitna ang mga NBI agent na nandoon din sa lamay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended