Imbestigador ng DENR pinabulagta
Nakilala ang biktima na si Audey Dy Anchangco, tubong Agusan del Sur at Special Investigator ng DENR sa Visayas Avenue, Quezon City
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-3:14 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima sa #22 San Felipe Street, Lourdes Subdivision ng nabanggit na barangay.
Napag-alamang nakatayo ang biktima nang lapitan ng dalawang ’di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo kung saan isa sa mga ito ang walang sabi-sabing isinagawa ang pamamaslang.
Narekober sa crime scene ang 11-basyo ng bala ng baril. (Edwin Balasa)
Trak hulog sa bangin: 1 dedo, 9 grabe
CAMP CRAME  Isang 21-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi habang siyam naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyang Isuzu Elf truck ng mga biktima sa banging sakop ng Sitio Kaayunan, Barangay Adlay, Carrascal, Surigao del Sur.
Nakilala ang nasawi na si John Denver Cuarez Millina. Samantala, ginagamot naman sa Madrid District Hospital ang siyam pang sugatang sina Arjay S. Arcano, Shannon M. Ramos, Jade M. Layno, Isabel Alcada, Lilit D. Martinez, Ana Rose Sablas, Anajean Cuares, Gloria Janeo at John Marlon pawang residente ng Buenavista, Tandag, Surigao del Sur.
Napag-alamang nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Reynaldo Estremos Barretsa kaya nagtuluy-tuloy ang trak (GML-448) sa malalim na bangin.
Nabatid na mga kabataan ang karamihang biktima ay miyembro ng Iglesia Filipina Independente sa ilalim ng pamumuno ni Rev. Fr. Ruben Densing Martinez ng Buenavista, Tandag, Surigao del Sur. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending