Sa bayan ng Penarubia, maglalaban sa pagka-alkalde ay ang mag-asawang Antonio Domes-ag at Lovelyn Domes-ag na pinaniniwalaang nagkahiwalay dahil sa matinding sigalot sa pulitika.
Sa bayan ng Boliney, ang mag-inang Pacita Balao-as at ang kanyang anak na si Ronald Balao-as ay mahigpit na magkalaban sa mayoralty race. Samantala, sa bayan ng Daguioman kung saan lalabanan ni re-electionist Mayor Sally Co Kue, ang sariling anak na si Manuel Co Kue sa mayoralty race.
Sa bayan ng bulubunduking San Isidro, maghaharap sa mayoralty race ang mag-amang sina Ernesto Pacsa, Sr. at Ernesto Pacsa, Jr., kaya nahihirapan tuloy ang mga botante sa pagpili ng kandidato dahil pareho ang pangalan.
Nagpahayag ng pangamba ang ilang matandang botante sa bayan ng San Isidro na tiyak daw na magkakaroon ng protesta sa oras na natalo ang isa sa kandidato dahil pareho nga sila ng pangalan sa balota.
Si Leo Barona na dating mayor at lider ng NPA, ay lalabanan ang sariling kapatid na si Cesar Barona sa pagka-alkalde sa bayan ng Lacub, samantala, sa magulong bayan naman ng La Paz ay magkalaban sa pagka-mayor sina Joseph Bernos at ang kanyang pamangking si Domingo Bernos.
Sa bayan ng San Juan, ay haharapin naman ni Atty. Marco Bautista ang mismong manugang niya na si Dr. Nonito Barbero sa mayoralty race.
"Only in Abra sa kasaysayan ng pulitika," pahayag ni P/Senior Supt. Alex Pumecha, provincial police director. (Myds Supnad)