^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Kabesa nilikida sa babuyan
CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Barangay Divisoria, Aurora, Isabela, kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Andres Duque matapos upakan habang nagpapakain ng kanyang alagang baboy sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang pamamaslang sa awayan sa pulitika dahil lider ng isang kilalang kandidato ang nasabing kabesa. (Edwin Balasa)
Jeepney bumaligtad: 34 grabe
CAMP CRAME — Tatlumpu’t apat-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang tumaob ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangy Paco, Kidapawan City kamakalawa ng hapon. Ang mga biktimang karamihan ay kabataan ay dinala sa magkakahiwalay na pagamutan na kinabibilangan ng Specialist Center, Madona General Hospital at Kidapawan Doctors Hospital. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang mga biktima na galing sa isang family reunion sa bayan ng Antipaz, North Cotabato papauwi na sana sa Isulan, Sultan Kudarat ay naipit mula sa sasakyang nawalan ng preno kaya nagpagiwang-giwang bago tumaob. (Edwin Balasa)
Killer ni Balweg timbog
CAMP CRAME — Isang lider ng rebeldeng New People’s Army na isinasangkot sa pagpatay kay dating Cordillera People’s Liberation Army chief Fr. Conrado Balweg, ang naaresto ng pulisya sa Irisan, UP Village, Baguio City kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation sa Camp Dangwa, Benguet ang suspek na si Francisco Bonoan, acting secretary ng CPP-NPA’s Urban White Area Command at concurrent executive committee member ng Ilocos-Cordillera Regional Party Committee. Sa record ng pulisya, si Balweg, na pari ng Society of Divine Word ay pinatay ng mga rebelde sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Cagayan dahil sa paniniwalang naghahasik ng karahasang sa mamamayan. (Edwin Balasa)
Mag-asawa, apo niratrat
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City —Himalang nakaligtas sa karit ni kamatayan ang mag-asawa at apo nito na pinagbabaril ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Barangay San Isidro, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Cataingan District Hospital ang mga biktimang sina Nilo, 60, magsasaka; asawang si Nene Belarmino, 60; at ang apo na si Lorena Belarmino, 8. Sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng biktimang natutulog. Sa pag-aakalang napatay ang mga biktima ay nagmamadaling tumakas sakay ng motorsiklo. Kahit sugatan ay nakuha pang nagtungo sa nasabing ospital ang mga biktima. May teorya ang pulisya na awayan sa lupaing sinasaka ng pamilya Belarmino ang isa sa dahilan ng krimen. (Ed Casulla)
Engkuwentro: 4 katao patay
CAMP AGUINALDO — Dalawang rebeldeng New People’s Army at dalawang sundalo ng pamahalaan ang iniulat ang nasawi makaraang ang madugong sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Tominamos sa bayan ng Sta. Rita, Samar noong Sabado ng gabi. Kinilala ang nasawi sa panig ng grupo ng gobyerno sina Technical Seargent Roperto J. Jandoquille at CAA Felizardo S. Eguia, samantala inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ng dalawang rebeldeng nasawi. Ayon kay Lt. Col. Ernesto Torres, napalaban ang mg tauhan ng 52nd Cadre Battalion at 10th Western Samar CAA detachment sa mga rebelde sa nabanggit na barangay. Nakakuha din ang tropa ng gobyerno ng 2-baril at mga bala. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANDRES DUQUE

CENTER

EDWIN BALASA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with