Anak ng vice mayoralty bet itinumba
April 24, 2007 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY – Lalung tumindi ang karahasang may kinalaman sa pulitika makaraang barilin at napatay ang isang anak ng prominenteng angkan ng politiko habang ang biktima ay lulan ng sasakyan sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Sabado ng gabi.
Napuruhan sa leeg ng bala ng baril ang biktimang si Gin Yorgen Cliff Olegario Dionaldo, 24, trader at residente ng Barangay Sanito sa nabanggit na bayan.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na bumili ng pagkain para sa kanyang mga tauhan ay binaril nang malapitan habang lulan ng pag-aaring utility service vehicle
Agad naman nasakote ang mga suspek na sina Estrod Bartiana ng Baroi, Lanao del Norte at ang tumatayong lookout na si Stanly Bentic.
Sa ulat ni P/Supt. Jose Bayani Gucela, tagapagsalita ng PRO-9, ang biktima ay anak ni Anamel na kumakandidatong vice mayoralty bet at pamangkin ni incumbent Ipil Mayor Rey Olegario na tumatakbo sa pagka-gobernador ng Sibugay province.
Dahil sa pakikipagtulungan ng escort ng biktima ay mabilis na nasakote ang mga sus pek matapos ang maikling habulan sa Chubby’s Pension House. Inamin ng mga suspek na binayaran sila ng P50,000 para paslangin ang biktima.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle, bukod sa anggulong pulitika ang isa sa pangunahing motibo. (Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
2 hours ago
Recommended