Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay nakilalang si Rafael Marquez, may-sapat na taong gulang, political coordinator ni incumbent at reelectionist Mayor Hernando Avellaneda.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:15 ng gabi ay katatapos lamang magsalita sa entablado ng biktima nang ito ay harangin sa hagdanan at paputukan ng suspek.
Nang matiyak ng suspek na patay na ang biktima ay sinamantala nito ang pagtakas habang nagkakagulo ang mga tao.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung may halong pulitika ang pamamaslang sa biktima. (Tony Sandoval)