Political leader ng kandidato binoga
April 23, 2007 | 12:00am
GENERAL NAKAR, Quezon  Patay agad ang isang lider ng isang lokal na kandidato rito nang barilin ito ng isang hindi nakikilalang lalaki matapos na ang biktima ay magsalita sa isinagawang proclamation rally sa Barangay Batangan ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay nakilalang si Rafael Marquez, may-sapat na taong gulang, political coordinator ni incumbent at reelectionist Mayor Hernando Avellaneda.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:15 ng gabi ay katatapos lamang magsalita sa entablado ng biktima nang ito ay harangin sa hagdanan at paputukan ng suspek.
Nang matiyak ng suspek na patay na ang biktima ay sinamantala nito ang pagtakas habang nagkakagulo ang mga tao.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung may halong pulitika ang pamamaslang sa biktima. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended