Chairman ng militanteng magsasaka nilikida
April 22, 2007 | 12:00am
ORMOC CITY  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang chairman ng grupong militanteng magsasaka makaraang matagpuan ang bangkay nito na tadtad ng bala ng baril sa bahagi ng national highway na sakop ng Barangay San Pablo, Ormoc City noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Anastacio Agullo, ang biktimang si Paulino Obeda y Baocs, 43, miyembro ng Civil Security Unit (CSU) ng lokal na pamahalaan at residente ng Barangay Guintiguian.
Si Obeda ay lider ng grupong Samahan ng Gudti na Parag-uma (SAGUPA) na tinagurian ng militar na front ng teroristang CPP/NPA.
Ayon kay SPO4 Rudy Sano, ang bangkay ng biktimang may anim na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay natagpuan ng mga nagja-jogging.
Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima noong Huwebes ng hapon na nagpapahinga sa loob ng kanilang opisina ng CSU na pinamumunuan ni Rudy Dinoy.
Sinabi pa sa ulat na nakipag-usap ang biktima sa isang matandang babae sa labas ng kanilang opisina matapos na tawagin ng dala wang ’di-kilalang lalaki hanggang sa makauwi na ng bahay si Obeda.
Ipinahayag naman ng anak na si Juniel Obeda, na ang kanyang ama ay lider ng 89 suporter ng NPA na sumuko sa militar noong nakalipas na linggo.
Kinumpirma rin ni Juniel sa pulisya, na ang kanyang ama ay makailang ulit na ini imbitahan ng militar, subalit hindi nito pinauunlakan. (Isinalin sa Tagalog mula sa ulat ni Roberto Dejon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Cristina Timbang | 18 hours ago
Recommended