Peace covenant sa Gapo hiling

OLONGAPO CITY — Hinamon kahapon ni mayoralty bet Olongapo City Vice Mayor Rolen C. Paulino, si incumbent Mayor James "Bong" Gordon Jr., na lagdaan ang kahilingang peace covenant para sa malinis, mapayapa at maayos na halalan sa Mayo 14. Ayon kay Paulino (NPC), isang makabuluhang paraan ang isasagawang peace covenant signing kung saan dito lamang anya maipapakita ni Mayor Gordon (Lakas-CMD) at ng kanyang partido ang kanilang sensiridad sa taumbayan sa isang malinis na eleksyon. "Kami ng aking grupo sa Mabuhay Pinoy Ako ticket sa pangunguna nina Rep. Mitos Magsaysay at vice mayoralty bet Atty. Noel Yabut Atienza ay buong suporta sa layunin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng Commission on Elections (Comelec) para sa panunumbalik ng tiwala ng mga botante sa nasabing lungsod," pahayag pa ni Paulino. (Jeff Tombado)

Show comments