^

Probinsiya

Brodkaster nilikida

-
NUEVA ECIJA — Isa na namang mamamahayag ang iniulat na pinaslang makaraang matagpuan ang bangkay nito sa harap ng LM Mapalad 347 Farm sa kahabaan ng Bangad-Fort Magsaysay Highway na sakop ng Sitio Uno, Barangay Mapa lad sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni P/Senior Supt. Benjamin Dela Cruz, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, sa pamamagitan ng driver’s license ay nakilala ang biktimang si Carmelo "Mark" Palacios y Teves, 41, Nueva Ecija radio reporter ng dzRB Radyo ng Bayan na pag-aari ng pamahalaan at residente ng Paraiso St., Guimba, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ng isang jeepney driver ang bangkay ni Palacio sa gilid ng kalsada ng nabanggit na barangay kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Nueva Ecija PNP, basag ang panga ng biktima dahil sa palo ng matigas na bagay at posibleng binaril sa ibabang bahagi ng bibig.

Sa pahayag ni Dela Cruz, posibleng pinatay sa ibang lugar si Palacios at itinapon ang bangkay noong gabi ng Martes sa nasabing lugar para iligaw ang mga awtoridad sa isasagawang imbestigasyon.

Nasa Funeraria Ortiz sa bayan ng Sta. Rosa ang bangkay ni Palacios upang sumailalim sa post-mortem examination.

Mariin namang kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), ang naganap kay Palacios na ikalawang mamamahayag na pinaslang sa Nueva Ecija.

Sa talaan ng NUJP, ika-51 mamamahayag na ang napapatay simula noong maupo si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Christian Ryan Sta. Ana at Edwin Balasa)

vuukle comment

BANGAD-FORT MAGSAYSAY HIGHWAY

BARANGAY MAPA

BENJAMIN DELA CRUZ

CHRISTIAN RYAN STA

DELA CRUZ

NUEVA ECIJA

PALACIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with