Karpintero binurda ng saksak ng kainuman

Isang karpinterong si Rogelio Amaro ng Pag-asa 1, Barangay Aguado, Trece Martirez, Cavite City ang tinadtad ng saksak sa buong katawan ng kabarangay niyang si Randy Enriquez nang magtalo sila at magkapikunan habang nag-iinuman sa naturang lugar kamakalawa ng gabi.

Hindi pa malaman ang sanhi ng away ng dalawa pero hinihinalang malaki ang galit ng suspek sa biktima dahil sa dami ng saksak sa katawan na tinamo nito. (Cristina Go-Timbang)

Biktima ng hit and run

CAVITE — Isang babae na hinihinalang biktima ng hit-and-run ang natagpuang duguan at nakahandusay sa isang daan sa General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay tinatayang may edad na 45 hanggang 50 anyos, fair complexion, may taas na 4’5 at nakasuot ng berdeng blusa at abuhing skirt. Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang plastic na hinihinalang mula sa sasakyang nakabundol sa biktima. (Cristina Timbang)

Balik-puwesto

SAN MIGUEL, Bulacan — Anim na buwan matapos masuspinde, pormal na magbabalik ngayong araw na ito sa tungkulin si Mayor Edmundo Jose Buencamino ng bayang ito.

Ang pagbabalik ni Buencamino sa puwesto ay magsisimula sa isang flag raising ceremony sa harap ng munisipyo ng bayang ito kung saan ay inaasahang dadagsa ang kanyang mga taga-suporta.

Una rito, ipinataw ng Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban kay Buencamino noong Oktubre 18 dahil na rin sa akusasyon ni Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation na naningil ang alkalde ng sobrang passageway fees mula sa mga truck na humahakot ng marmol. (Dino Balabo & Boy Cruz)

Show comments