Ang nasabing utang umano ay nagsimula pa noong Disyembre, 2006 na dahilan para magputol ng serbisyo sa Lupao ang Nueva Ecija Electric Cooperative II. Naapektuhan tuloy ang serbisyo ng munisipyo sa mga residente ng Lupao.
Nabatid na ang mga kawani sa munisipyo ay matagal na rin umanong nagtitiis sa gawaing manu-manong transaksyon sa mga mamamayan dahil sa kawalan ng serbisyo sa elektrisidad.
Nanganganib na rin umanong maputulan ng serbisyo ng kuryente ang mga poste ng ilaw sa plaza at buong kabayanan na nagpapaliwanag kung gabi sa ilalim ng programang Street lighting ng pamahalaang lokal.
Ang utang ng pamahalaang lokal ay patuloy pa umanong lumalaki nang hindi naipasa ang P1-milyon sup plemental budget na hinihingi ni Mayor Alexander Joanino upang ibayad sa elektrisidad sa huling session ng SB.
Sinabi ni Councilor Allan Bantique na P1-milyon ang budget ng pamahalaan sa elektrisidad kaya katakataka anya kung bakit hindi binayaran ito ng alkalde na dapat ay P400,000 na lamang ang utang ng munisipyo. Dahil sa interest umano ay lumaki pa at nababaon sa utang ang munisipyo. (Christian Ryan Sta. Ana)