^

Probinsiya

14 bayan sa Abra nasa ‘hot spot’

-
BANGUED — Sinabi kahapon ni Abra Police Director Sr/Supt. Alexander Pumecha na, 14 na bayan ng lalawigang ito ang kanilang minamatyagang mabuti o itinuturing na hot spots dahil sa lumalalang labanan ng politika dito kaugnay ng nalalapit na halalan.

Nasa ilalim ngayon ng kontrol ng Commission on Elections ang Abra at suspendido ang kapangyarihan ng mga lokal na opisyal sa pulisya para hindi nila maimpluwensyahan ito. Ilang pulis din ang napapaulat na nagsisilbing bodyguard o goons ng ilang pulitiko.

Kamakailan lamang, nabaril at napatay ang isang anak ng kapitan ng barangay sa La Paz ng mismong hepe ng pulis doon matapos magwala daw ang biktima. Tiniyak naman ni Col. Pumecha na kayang kaya nilang pangalagaan ang peace and order sa Abra basta makipagtulungan lamang ang mga tao sa kanila. (Myds Supnad)

vuukle comment

ABRA

ABRA POLICE DIRECTOR SR

ALEXANDER PUMECHA

ILANG

KAMAKAILAN

LA PAZ

MYDS SUPNAD

PUMECHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with