Kandidatong Bise, Aide nahulog sa balon, todas
April 16, 2007 | 12:00am
Isang kandidatong vice mayor sa Sorsogon at isa niyang aide ang nahulog sa isang balon sa Bulan ng naturang lalawigan at namatay habang nakaligtas naman ang dalawa pa niyang tauhan na nahulog din sa balon habang inililigtas siya kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tobias Dulay, 45, residente ng Fabrica Village, at tumatakbong bise alkalde sa bayan ng Matnog at aide nitong si Manuel Delos Santos, 51.
Nabatid na nililinis ni delos Santos bandang alas-9:35 ng umaga ang isang balon na walong metro ang lalim nang aksidente siyang mahulog sa loob nito. Tinangka siyang iligtas ni Dulay pero nahulog din ito doon.
Ang kaguluhan ay narinig naman ng dalawa pang aide ng bise alkalde na sina Jonel Magolania at Joel Delavin na mabilis ding sumaklolo sa mga nahulog subalit dahil sa dulas ng lugar ay sila man ay nahulog din sa balon kaya nagsama-sama na silang apat sa loob nito.
Nagawa pang maiangat ni Dulay sina Magolania at Delavin palabas ng balon subalit hindi na nito nagawa pang mailigtas ang sarili dahil sa kakapusan ng hangin sa ilalim ng balon hanggang sa kapwa sila mamatay ni delos Santos sa ilalim. Naagapan naman sina Magolania at Delavin na kasalukuyang nagpapagaling na sa ospital.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am