Kampo binomba: 3 patay, 11 sugatan
April 15, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO  Dalawang sundalo ng Phil. Marines at isang sibilyan ang iniulat na napaslang habang labing-isa pang sundalo ang nasugatan makaraang bombahin ng mga tumiwalag na rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) ang isang military camp sa Barangay Seit sa Bayan ng Panamao, Sulu noong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Phil. Marines Public Information Officer na si Lt. Col. Ariel Caculitan, naitala ang pag-atake dakong alas-6 ng umaga kung saan naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng Muslim sa pamumuno ni Commander Habier Malik sa command post ng Marine Battalion Landing Team 11 sa nabanggit na barangay.
Sinabi ni Maj. Eugene Batara, spokesman ng Western Mindanao Command (Westmincom), si Malik ay responsable rin sa pangho-hostage kina Peace Process Undersecretary (ret) Gen. Ramon Santos at NRC Command chief Major Gen. Mohammad Ben Dolorfino, kasama pa ang 18 staff nila noong Pebrero sa kanilang kampo sa Bitan-ag.
Napag-alamang gumamit ng mga pampasabog ang mga rebeldeng MNLF sa ginawang pag-atake kaya nabigla ang tropa ng Phil. Marines kung saan agad na nalagasan ng dalawang sundalo at isang sibilyang bata habang labing-isang kawal pa ang naiulat na nasugatan.
Pansamantalang hindi muna ibinigay ng mga opisyal ng military ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at sugatang sundalo dahil hindi pa naipapaabot sa kani-kanilang pamilya.
Sa pahayag naman ni Maj. General Ruben Rafael, commander ng Task Force Comet na nakabase sa Jolo, na aabot sa 10 hanggang 15 kumander ng MNLF ay kumalas na sa grupo ni Malik at nakipagtulungan na sa pamahalaan.
"The attack is a clear violation of the 1996 peace agreement between the government and the MNLF," dagdag pa ni Rafael.
Ayon pa sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, bago ang pag-atake sa nasabing kampo ay naunang nilusob ng mga rebeldeng MNLF ang Barangay Piit at nag-iwan ng isang patay at isang sugatan sa mga residente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest