Kinilala ng pulisya ang mag-asawang Helmut Malinka, German national at asawa nitong si Tequia, pawang nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan dahil sa tama ng bala ng baril.
Samantala, nakaligtas naman ang katiwala na nakilalang si Virginia Saluza, na iginapos lang ng mga kawatan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw kung saan pinasok ng mga armadong kawatan ang bahay ng mag-asawang Malinka sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang nagising ang biktimang Aleman matapos na makaramdam ng ingay sa loob ng kanilang bahay at nang mamataan ang mga ka watan ay nanlaban ito at pinagbabaril siya.
Samantala, sumaklolo naman ang asawa nito na nagising din dahil sa komosyon sa loob ng bahay kaya pinagbabaril din ito, habang iginapos naman ang katiwala ng mag-asawa. (Edwin Balasa)