3 aktibista niratrat
April 14, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Nasa malubhang kalagayan ang isang aktibista habang nawawala naman ang dalawa pang kasama nito makaraang tambangan ng mga ’di kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga sundalo sa Barangay Cabanbanan sa bayan ng Oton, Iloilo kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang sugatang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa leeg na si Leeboy Garachico, 52, miyembro ng Karapatan-Panay, habang nawawala naman ang mga kasamahan nitong sina Nilo Arado, 58, ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Luisa Selda, 52, miyembro ng militanteng grupo na Selda.
Ayon sa ulat, nabatid na papauwi na ang mga biktimang sakay ng pick-up truck mula sa pagtitipon ng Anakpawis sa bayan ng Antique nang harangin ang kanilang sasakyan ng dalawang van.
Paglabas ng dalawang armado mula sa isa sa mga sasakyan ay agad na pinaputukan si Garachico at tinangay ang dalawa pang natitirang biktima kasama ng kanilang sasakyan.
Makalipas ang ilang oras, ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Spokesman Carl Ala, natagpuan ang sunog na sasakyan ng mga biktima sa bahagi ng Oton may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente.
"Tropa ng militar mula sa 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ang posibleng may kagagawan ng insidente dahil ayon kay Arado ng huli silang mag-usap ay lagi na lang silang binubuntutan ng mga sundalo mula sa nasabing grupo," pahayag pa ni Ala.
Kaugnay nito, agad namang ipinag-utos ni PNP-Task Force Usig commander Chief Supt. Gerry Barrias, ang pagsasagawa ng kaukulang imbestigasyon sa napaulat na pawang mga sundalo ang sangkot sa naganap na pananambang.
Kasunod nito, sinibak sa tungkulin ni PNP chief Director General Oscar Calderon, si P/Chief Insp. Vicente Castro, hepe ng pulisya ng bayan ng Oton, Iloilo matapos ang panibagong pag-atake laban sa mga militateng grupo at dahil na rin sa pagpapabaya sa tungkulin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am