Mag-asawa, 2 anak minasaker ng NPA
April 11, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME – Baloyenteng kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawa nitong anak makaraang ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebel deng New People’s Army sa Sitio Islit, Barangay Dalagdag, Calinan, Davao City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Fernando Gonzaga, 45, barangay tanod; asawang si Fe, 35, purok leader; at mga anak na Richelle, 15; at Ferdinand, 6.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, na iltala ang krimen ganap na alas-2 ng madaling-araw matapos na pasukin ng mga armadong kalalakihan ang tahanan ng mga biktimang magkakatabing natutulog.
Napag-alamang narinig ng ilang kalapit-bahay ng pamilya Gonzaga ang sunud-sunod na putok ng baril, subalit walang sumaklolo dahil sa takot na madamay sa krimen.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa lupaing sinasaka ng pamilya Gonzaga maliban pa sa anggulong inakala ng mga rebelde na nakikipag-ugnayan ang mga biktima sa mga awtoridad laban sa grupong makakaliwa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest