^

Probinsiya

Killer ng vice governor tukoy na

-
CAMP CRAME — Tinukoy na kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Kalinga Vice Governor Rommel Diasen na kumakandidato sa pagka-gobernador sa nalalapit na May 14 elections.

Kinilala ni P/Chief Supt. Geary Barias, kumander ng Task Force Usig, ang suspek na si Joel Melod, 18, miyembro ng tribong Magnao-Lubuagan at residente ng Barangay Magnao.

Ayon kay Barias, anggulong tribal conflict ang isa sa motibo ng pagpaslang kay Diasen matapos na makatanggap ng impormasyon na hinamon ng mga kasamahan si Melod na patayin ang kandidato bilang paghihiganti sa pagpatay sa isang hukom.

Ang hukom na tinutukoy ng grupo ni Melod ay si Judge Milnar Lammawin na pinaslang noong 2004 at ang pinagbibintangan ay ang grupo ni Diasen.

Matatandaang noong Sabado de Gloria ng hapon ay pinagbabaril si Diasen, habang nagtatalumpati sa Magnao Barangay Hall sa bayan ng Tabuk. (Edwin Balasa)

BARANGAY MAGNAO

CHIEF SUPT

DIASEN

EDWIN BALASA

GEARY BARIAS

JOEL MELOD

JUDGE MILNAR LAMMAWIN

KALINGA VICE GOVERNOR ROMMEL DIASEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with