Vice governor dinedo sa entablado
April 8, 2007 | 12:00am
BENGUET – Lalong umiinit ang nalalapit na eleksyon makaraang isa na naman governatorial bet na kasalukuyang vice governor sa lalawigan ng Kalinga ang pinagbabaril hanggang mapatay ng nag-iisang lalaki habang ang biktima ay nagtatalumpati sa entablado sa Magnao Barangay Hall sa bayan ng Tabuk, Kalinga kahapon ng hapon.
Napuruhan sa batok, bibig at dibdib ang biktimang si Vice Governor Rommel Diasen na kandidatong gobernador sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrat sa nasabing lalawigan.
Nasugatan naman ang isang matandang babae matapos na tamaan ng ligaw na bala habang palakad naman lumayo ang killer na hawak pa ang baril na animo’y walang naganap na krimen.
Napag-alamang naunang naghain ng kandidatura si Diasen sa pagka-kongresista, subalit nagbago ang isip at sa halip, ipinasyang labanan sa pagka-gobernador sina Rep. Laurence Wacnang (NPC-Lakas-Kampi) at Warren Luyaben,
Sinisilip ng pulisya, ang anggulong pulitika sa pamamaslang kay Diasen pero pinag-aaralan nila ang posibilidad na hidwaan ng mga tribu sa Cordillera ang motibo ng suspek. (Andy Zapata Jr., Artemio Dumlao At Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended